Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagsibak sa puwesto ng may 100 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagpupuslit ng mga iligal na kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP).
Batay sa ulat ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang sa DOJ, mula sa nasabing bilang ay 20 rito ay pawang mga opisyal.
Aniya, isasailalim ang mga ito sa masusing imbestigasyon at partikular na aalamin kung sangkot ang mga ito sa pakikipagsabwatan sa mga Person Deprived of Liberty (PDLs).
Magugunitang nito lamang nakalipas na mga linggo, samu’t saring mga kontrabando ang nasamsam sa NBP.
Nabunyag pa ang tila pagiging malikhain ng mga PDL, tulad ng paggawa ng lambanog gamit ang yeast o pangpa-alsa mula sa NBP bakery gayundin ang pagsasanay sa mga kalapati para makapagpuslit ng maliliit na kontrabando. | ulat ni Jaymark Dagala