109th Birth Anniversary ng Gawad Manlilikha ng Bayan sa Telang Tradisyunal, ginunita sa South Cotabato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginunita kahapon ng Provincial Government ng South Cotabato sa pakipagtulungan ng Local Government Unit ng bayan ng Polomolok ang 109th birth anniversary ni Tabih Master Fu Yabing Masalon Dulo sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak o wreath laying ceremony.

Dinaluhan ito ng maraming panauhin upang parangalan ang dedikasyon ni Fu Yabing bilang Gawad Manlilikha ng Bayan sa telang tradisyunal na kaniyang di malilimutang pamana at pangmatagalang outstanding contribution nito sa pagpapaunlad ng kultura ng South Cotabato.

Pagkatapos ng nabanggit na seremonya, si Senior Tourism Operations Officer Argie Ryan Asaria at si Arts and Culture Coordinator Indira Cagaanan ay nag-turnover ng P100, 000 na halagang loom weaving equipment para sa weaving center ni Fu Yabing.

Si National Commission for Culture and the Arts Commissioner Reden Ulo ay naglunsad ng cultural awareness forum bilang isa sa highlights ng okasyon.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us