Umalis patungong Australia ang 138 tauhan ng Philippine Army para lumahok sa Carabaroo 2023 joint military exercise.
Bago lumipad, isang pre-departure briefing ang ibinigay ng mga tauhan ng Royal Australian Air Force sa Phil. Army contingent sa Philippine Air Force Gymnasium, Clark Air Base, Mabalacat, Pampanga.
Ang Phil. Army Contingent ay binubuo ng mga tropa mula sa Philippine Army 1st Brigade Combat Team, First Scout Ranger Regiment, at Special Forces Regiment (Airborne).
Magsasanay ang mga ito kasama ang mga tropa ng Royal Australian Army sa Darwin, Northern Territories sa Australia sa loob ng tatlong linggo hanggang sa Setyembre 9.
Matatandaang huling nagsanay sa Australia ang Phil. Army at Royal Australian Army sa Carabaroo 2022 noong nakaraang taon, kasama ang US Marine Corps, para mahasa ang kanilang mga tropa sa counter-terrorism, at mas mapahusay ang teamwork sa pagitan ng mga pwersa ng tatlong bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷: Cpl. John Michael S. Manuel, 12th CMO Battalion