16 na barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig, simula sa lunes -Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso na ang Maynilad Water Services sa mga costumers nito kaugnay sa ipatutupad na water service interruption sa Quezon City simula sa Lunes.

Ayon sa Maynilad may isasagawa silang network maintenance sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa mawawalan ng suplay ng tubig ang barangay Payatas, mula Agosto 7 ng gabi hanggang alas 5:00 umaga ng Agosto 8.

Gayundin ang barangay Sta. Lucia, Kaligayahan, Don Manuel, Doña Aurora, Sto. Domingo Sto. Domingo, Tatalon, Mariblo sa susunod na araw.

Damay din dito ang iba pang barangay na mawawalan din ng tubig hanggang Agosto 14, kasama ang barangay Bahay Toro, Tandang Sora, Sta. Teresita, San Isidro Labrador,Nova Proper, Nagkaisang Nayon, Sto. Niño, San Isidro Galas, San Bartolome at barangay Bagbag.

Iniulat din ng Maynilad na apektado din dito ang marami pang barangay sa mga lungsod ng Caloocan,

Navotas at Valenzuela at Manila.

Ngayon pa lang ay pinapayuhan na ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us