17% na pagbaba ng index crimes sa ikalawang quarter ng taon, iniulat ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba ng 17.26 percent ang insidente ng Index Crimes mula April 24, 2023 hanggang July 30, 2023, kumpara sa parehong panahon noong nakalipas na taon.

Base sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management Crime Research Analysis Center (CRAC), ang iba pang klase ng mga krimen tulad ng Focus Crime na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, robbery, theft, rape, carnapping, at iba pang marahas na krimen ay bumaba rin ng 17.11 percent.

Habang ang non-index crime ay bumaba naman ng 3.9 percent sa parehong panahon.

Ang Peace and Order indicator, na pangkalahatang bilang ng insidente ng krimen ay bumaba rin ng 6.69 percent sa 52,163 insidente sa nakalipas na tatlong buwan kumpara sa 55,900 insidente noong 2022.

Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda na ang pagbaba ng krimen ay positibong indikasyon ng pagsisikap ng mga pulis na pangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad.

Sinabi ng PNP chief na inaasahan pa ang mga mas magagandang resulta sa hinaharap habang isinusulong ng PNP ang paggamit ng teknolohiya at data-driven approach sa paglaban sa krimen. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us