1K pamilya sa Monkayo, Davao De Oro, nakatanggap ng financial assistance mula sa AICS program ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa isang libong pamilya sa bayan ng Monkayo sa Davao de Oro ang nakatanggap ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinangunahan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang pamamahagi ng tulong sa low-income earners na isinagawa sa Municipal Dome, Brgy. Poblacion, sa nasabing bayan.

Maliban sa P3,000 na financial assistance, nag-abot rin ang opisina ng senador ng foodpacks, t-shirt, vitamins, facemask, bisikleta, cellphone, sapatos, relo, at mga bola.

Samantala, binisita rin ng opisyal ang isa sa mga proyekto na pinondohan nito para sa konstruksyon at pagpapasaayos ng palengke sa bayan ng Monkayo.

Ang nasabing proyekto ay may budget na P10 million. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us