2016 Arbitral Ruling, ibinida ng Pilipinas sa ASEAN Defense Senior Officials Meeting

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng delegasyon ng Pilipinas ang 2016 Arbitral Ruling bilang modelo ng pagresolba ng mga territorial dispute sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Defense Senior Officials Meeting (ADSOM) at ADSOM Plus sa Jakarta Indonesia.

Ang delegasyon ng Department of National Defense (DND) ay pinangunahan ni Undersecretary Ignacio B. Madriaga, Undersecretary for Strategic Assessment and Planning.

Kasama sa delegasyon sina Assistant Secretary Pablo M. Lorenzo, Assistant Secretary for Strategic Assessments and International Affairs, at COL Emmanuel A Canilla, Philippine Defense and Armed Forces Attaché to Indonesia.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga dokumento na ipipresinta para aprubahan sa 17th ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) at 10th ADMM-Plus sa Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Sa pagpupulong, binigyang diin ni Usec. Madriaga ang kahalagahan ng pagtataguyod ng rule-of-law at multilateral cooperation sa gitna ng umiinit na “geopolitical competition” at mga hindi naresolbang “boundary issues”.

Nakipagpulong din si Undersecretary Madriaga sa kanyang mga counterpart mula sa Australia, Brunei Darussalam, Indonesia, Japan, Malaysia, Republic of Korea, Thailand, at US para tiyakin ang commitment ng DND na isulong ang magandang relasyon sa “bilateral and multilateral spheres”. | ulat ni Leo Sarne

📷: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us