21 biktima ng human trafficking sa Bongao, Tawi-Tawi nasagip ng mga awtoridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao katuwang ang Municipal Inter-Agency Council Against Trafficking ang 21 katao na biktima ng human trafficking sa Bongao Pier sa Brgy. Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon kay Niño Fernando Cunan Acting Public Affairs Officer, Naval Forces Western Mindanao ang mga ito ay naharang ng mga awtoridad lulan ng pump boat na patungo sana ng Malaysia na walang kaukulang travel documents at iba pang mga papeles nitong Agosto 10.

Sinabi ni Cunan na pinangakuan ang mga na-rescue ng trabaho sa Malaysia at pagkarating umano nila doon ay may sasalubong sa kanilang alyas Winda.

Sa isinagawang follow up operation nakasagip ang walo pang indibidwal na biktima din ng human trafficking sakay naman ng MV Ever Queen of Asia sa Bongao Pier at patungo ng Kota Kinabalu, Malaysia.

Ang mga nasagip ay nai-turn over na sa Ministry of Social Services and Development sa Bongao at kasalukuyan nang sumasailalim sa profiling and documentation ng MIACAT-Tawi-Tawi. | ulat ni Leo Sarne

📸: NFWM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us