Navotas LGU, pinarangalan ng DOH sa laban vs. tuberculosis

Kinilala ng Department of Health (DOH) ang pagsisikap ng Navotas local government para matugunan ang sakit na tuberculosis sa lungsod. Sa isinagawang DOH Race to End TB Annual Awards, nagkamit ang LGU ng silver award sa mataas na Treatment Coverage Rate sa naturang sakit. Ayon sa DOH, umabot sa 93.9% ang itinaas ng TB case… Continue reading Navotas LGU, pinarangalan ng DOH sa laban vs. tuberculosis

Mga bumibiyaheng bus sa EDSA Bus Carousel sa may Ortigas Avenue, nagkaka-ipon dahil sa tumal ng pasahero

Bumigat ang daloy ng trapiko ngayong araw sa EDSA Bus Carousel dahil sa mga nag-ipong bus partikular na sa Ortigas station nito. Iyan ay dahil sa matumal ang dating ng mga pasahero lalo pa’t walang pasok ngayong araw dahil holiday. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, hindi bababa sa 15 bus ang naabutang nakapila sa EDSA… Continue reading Mga bumibiyaheng bus sa EDSA Bus Carousel sa may Ortigas Avenue, nagkaka-ipon dahil sa tumal ng pasahero

Bike Lane sa kahabaan ng EDSA, bantay sarado ng mga tauhan ng MMDA

Todo bantay pa rin ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa designated Bicycle Lane sa kahabaan ng southbound lane ng EDSA-Ortigas ngayong umaga. Ito’y bagaman holiday at walang pasok ngayong araw kaya maluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA. Ngayong araw kasi, inanunsyo ng MMDA na makatatanggap na ng citation ticket ang… Continue reading Bike Lane sa kahabaan ng EDSA, bantay sarado ng mga tauhan ng MMDA

Final ruling ng SC sa Taguig-Makati terrotorial dispute, di pa rin matuldukan

Patuloy pa rin ang iringan sa pagitan ng Taguig at Makati LGUs higgil sa pinal na desisyon ng Supreme Court tungkol sa boundaries ng mga ito. Nanindigan ang lungsod ng Taguig na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga barangay na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng hurisdiksyon… Continue reading Final ruling ng SC sa Taguig-Makati terrotorial dispute, di pa rin matuldukan

Cotabato City Airport, balik operasyon na matapos makumpuni ang ilang runway nito — CAAP

Natapos na ng  Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagkukumpuni sa runway facilities ng Cotabato City Airport. Kung saan natapos na ang asphalting ng runway  ng naturang paliparan. Umabot sa ₱340-million ang halaga ng naturang pagkukumpuni ng runway upang makapaghatid na ng serbsiyo sa mga airline passengers sa Cotabato City at ilang karatig… Continue reading Cotabato City Airport, balik operasyon na matapos makumpuni ang ilang runway nito — CAAP

Desisyon ng SC sa Makati-Taguig territorial case, umani ng legal opinion

Kinatigan ni dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles ang posisyon ng Taguig City na hindi kailangan ng Writ of Execution para iimplementa ang takeover ng Taguig sa EMBO barangays sa basehang hindi ejectment case ang kaso at malinaw ang desisyon ng Korte Suprema na turnover ang dapat na gawin ni Makati City Mayor Abby Binay.… Continue reading Desisyon ng SC sa Makati-Taguig territorial case, umani ng legal opinion

Manila International Airport Authority, nakiisa sa pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day sa NAIA Terminal 1

Nakiisa ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa padiriwang ng Ninoy Aquino Day sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong umaga. Dumalo sa nasabing selebrasyon ang ilang mga mga tagasuporta ni dating Senador Ninoy Aquino at ibang grupo tulad ng August 21 Movement at sabay-sabay itong nag-alay ng bulaklak sa harapan ng marka… Continue reading Manila International Airport Authority, nakiisa sa pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day sa NAIA Terminal 1

Mas maraming trabaho para sa PWDs, alok ng Quezon City LGU

Tina-target ngayon ng Quezon City local government na mag-hire ng nasa 300 persons with disabilities (PWDs) sa City Hall. Ito ay sa pamamagitan ng inisyatibong “Kasama Ka sa Kyusi: Ang Taong May Kapansanan ay May Karapatan at Kakayahan” na bahagi ng hakbang nitong maitaguyod ang pantay na oportunidad para sa vulnerable sector. Ayon kay QC… Continue reading Mas maraming trabaho para sa PWDs, alok ng Quezon City LGU

DTI, FDA, hinikayat na maglabas ng listahan ng mga rehistradong brands ng school supplies

Hinimok ng Toxic Watchdog group na Ban Toxics ang Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drug Administration (FDA) na ilathala ang listahan ng mga rehistradong brands ng school supplies para magabayan ang publiko sa pamimili ng mga gamit pang-eskwela. Ginawa ng grupo ang panawagan matapos ang isinagawang market monitoring sa Divisoria sa… Continue reading DTI, FDA, hinikayat na maglabas ng listahan ng mga rehistradong brands ng school supplies

Oil exploration sa iba pang bahagi ng bansa gaya ng West Philippine Sea, ikinakasa na ng DOE

Kinumpirma ni Energy Secretary Raphael Lotilla na may pahintulot na mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasagawa ng oil exploration sa iba pang bahagi ng bansa, gaya na lamang ng West Philippine Sea (WPS). Sa budget deliberation natanong si Lotilla kung ano ang hakbang na ginagawa ng ahensya tungkol sa petroleoum exploration sa… Continue reading Oil exploration sa iba pang bahagi ng bansa gaya ng West Philippine Sea, ikinakasa na ng DOE