CSC, nagtala ng higit 92% na turnout ng examinees para sa Career Service Exam

Iniulat ng Civil Service Commission (CSC) ang mataas na turnout ng examinees sa katatapos na Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) nitong linggo, August 20. Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, mula sa kabuuang 373, 638 na nagparehistro, umabot sa 345,289 o katumbas ng 92.41% ang actual examinees. Mula sa bilang na ito, 304,247… Continue reading CSC, nagtala ng higit 92% na turnout ng examinees para sa Career Service Exam

Pres. Marcos Jr, hinikayat ang mga Pilipino na magkaisa sa harap ng ginugunita ngayong Ninoy Aquino Day

Pagkakaisa ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa paggunita ngayong araw ng Ninoy Aquino Day. Sa mensahe ng Punong Ehekutibo, hinikayat nito ang mga Pilipino na magkaisa maging ang mga nasa ibang bansa habang binigyang-diin nito na dapat na ring maisantabi ang politika alang- alang sa mamamayan at kaunlaran ng bayan. Kung… Continue reading Pres. Marcos Jr, hinikayat ang mga Pilipino na magkaisa sa harap ng ginugunita ngayong Ninoy Aquino Day

Ilang siklista, pabor na pagmultahin na ang mga dumadaang motorcycle rider sa EDSA Bike Lane

Sinang-ayunan ng ilang siklista sa Quezon City ang hakbang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hulihin na ang mga motorsiklong dumaraan sa Bicycle Lane sa EDSA. Ayon sa MMDA, simula ngayong araw, August 21, ay maghihigpit na sila sa polisiya sa Bike Lane kaya ang mga mahuhuling motorsiklong dumaraan sa naturang lane ay pagmumultahin… Continue reading Ilang siklista, pabor na pagmultahin na ang mga dumadaang motorcycle rider sa EDSA Bike Lane

Nuclear energy, makatutulong sa food security ng bansa — House Tax Chief

Nangako si House Ways and Means Committee Chair Joy Salceda na susuportahan ang panukala para sa pagkakaroon ng nuclear energy sa bansa. Ayon sa mambabatas, makatutulong ang nuclear power sa ating food security at housing needs. Punto ng kinatawan, para sa isang bansa na limitado ang lupain para sa espasyo, ang nuclear energy ang isa… Continue reading Nuclear energy, makatutulong sa food security ng bansa — House Tax Chief

Pagkakaroon ng sariling charter ng Energy Regulatory Commission, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Gusto ni Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng sariling charter ang Energy Regulatory Commission (ERC) para madagdagan ang kapangyarihan nito sa pagtugon sa mga isyu sa power industry gaya ng pagkaantala ng mga proyekto ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakakaapekto sa suplay ng kuryente. Ang mga isyung ganito sa NGCP ang… Continue reading Pagkakaroon ng sariling charter ng Energy Regulatory Commission, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Pagbibigay ng sports voucher para sa pagsasanay ng mga batang atleta, lusot na sa Kamara

Pinagtibay ng Kamara de Representantes sa huling pagbasa ang isang panukala kung saan magbibigay ang gobyerno ng sports voucher sa mga batang atleta na kanilang magagamit sa kanilang pagsasanay at pagbili ng mga sports equipment. Maliban dito, maglalaan din ng pondo para sa mga sports clubs, organizations o asosasyon na kinikilala ng Philippine Sports Commission… Continue reading Pagbibigay ng sports voucher para sa pagsasanay ng mga batang atleta, lusot na sa Kamara

Hosting ng bansa ng FIBA World Cup, pagkakataon para maipakita sa mundo ng ganda ng Pilipinas — Sen. Go

Binigyang-diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na ang nalalapit na hosting ng Pilipinas ng FIBA world cup 2023 ay mahalaga sa pagtataguyod ng sportsmanship, international camaraderie, at pagpapakita ng kagandahan ng Pilipinas sa buong mundo. Ito ay kasabay ng pagpapahayag ng Senate Committee on Sports chairperson ng suporta para sa nalalapit na event. Iginiit ni… Continue reading Hosting ng bansa ng FIBA World Cup, pagkakataon para maipakita sa mundo ng ganda ng Pilipinas — Sen. Go

Mga motorcycle rider na daraan sa bicycle lanes partikular na sa EDSA, pagmumultahin na simula ngayong araw — MMDA

Pagmumultahin na ng ₱1,000 ang sinumang motorcycle rider na mahuhuling daraan sa mga itinalagang Bicycle Lane partikular na sa EDSA. Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasabay ng pagsisimula ng kanilang panghuhuli sa mga pasaway na motorcycle rider simula ngayong araw. Ayon sa MMDA, pinakamaraming nagmomotorsiklo ang dumaraan sa Bicycle Lane kaya’t… Continue reading Mga motorcycle rider na daraan sa bicycle lanes partikular na sa EDSA, pagmumultahin na simula ngayong araw — MMDA

PNP, nagpaalala sa mga pulis na gamitin ang lahat ng na-isyu na body camera sa operasyon

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Colonel Red Maranan ang lahat ng mga pulis na na-isyuhan ng body camera na dapat gamitin ang mga ito sa operasyon. Ayon kay Maranan natuklasan nila sa imbestigasyon na isa sa mga pulis na kasama sa operasyon sa Navotas kung saan nabaril at napatay si… Continue reading PNP, nagpaalala sa mga pulis na gamitin ang lahat ng na-isyu na body camera sa operasyon