Gov’t agencies at pribadong sektor, pinalalaanan ng posisyon para sa mga PWD na empleyado

Inihain sa Kamara ang House Bill 8941 na layong atasan ang mga tanggapan ng pamahalaan at pribadong sektor na kumuha ng mga empleyado na may kapansanan o yung mga PWD. Pinangunahan nina ACT CIS party-list Reps. Erwin Tulfo, Jocelyn Tulfo at Edvic Yap, kasama sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City Rep. Ralph Tulfo,… Continue reading Gov’t agencies at pribadong sektor, pinalalaanan ng posisyon para sa mga PWD na empleyado

Kooperasyon ng Makati, hiningi ng Comelec at Taguig sa pag-turnover ng mga botante mula sa 10 EMBO barangays

Kasunod ng pagkilala ng Commission on Elections (Comelec) sa 10 EMBO barangays bilang bahagi na ng Taguig, umapela ang komisyon at ang Taguig LGU ng kooperasyon mula sa Makati City. Tiniyak ng Comelec na walang uusbong na tensyon sa kanilang gagawing turnover at sa mismong eleksyon dahil mayroon silang nakalatag na procedural steps na susundin… Continue reading Kooperasyon ng Makati, hiningi ng Comelec at Taguig sa pag-turnover ng mga botante mula sa 10 EMBO barangays

Makati City, sinasabing lumabag sa DepEd order na may kaugnayan sa desisyon ng SC sa Taguig-Makati dispute

Naniniwala ang ilang mga guro na hands off na dapat ang Makati City sa mga Embo Schools kasunod ng ipinalabas na order ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. Ito ay may kaugnayan pa rin sa desisyon ng Korte Suprema na sakop na ng lungsod ng Taguig ang 14 na eskwelahan… Continue reading Makati City, sinasabing lumabag sa DepEd order na may kaugnayan sa desisyon ng SC sa Taguig-Makati dispute

Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nadagdagan

Bahagyang tumaas ang mga naitalang pagyanig sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras. Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, nagkaroon 56 volcanic earthquake sa bulkan kabilang ang 39 volcanic tremor na tumagal ng isa hanggang 20 minuto. Umakyat din sa 134 ang naitalang rockfall events at mayroon ding dalawang pyroclastic density current events. Nagpapatuloy rin ang… Continue reading Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nadagdagan

‘Volunteerism’ sa mga programa ng DSWD, paiigtingin katuwang ang PNVSCA

Makakatuwang na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA) para sa pagtataguyod ng bolunterismo sa mga social protection programs ng ahensya. Kasunod yan ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at ni PNVSCA Executive Director Donald James Gawe. Ayon kay… Continue reading ‘Volunteerism’ sa mga programa ng DSWD, paiigtingin katuwang ang PNVSCA

EcoWaste, nagbabala sa pagbili ng kapote na may nakalalasong kemikal

Ilang araw bago ang pasukan ay pinayuhan ng EcoWaste Coalition ang mga magulang na maging mapanuri rin sa binibiling rain gears gaya ng kapote ng kanilang mga anak. Ginawa ng toxics watchdog group ang babala matapos madiskubre na ilan sa mga ibinebentang plastic raincoats sa pamilihan ay may nakalalasong kemikal. Tinukoy nito ang ilang kapote… Continue reading EcoWaste, nagbabala sa pagbili ng kapote na may nakalalasong kemikal

Ad Hoc Committee Chair Salceda, tinatanggap ang mga pagbabago sa MUP Pension Reform bill na nais ni DND Sec. Teodoro

Tinanggap na ni House Ways and Means Chair Joey Salceda ang proposal ni Defense Secretary Gilbert Teodoro kaugnay sa inaprubahang substitute bill sa Military and Uniformed Personnel Pension Reform. Bahagi aniya nito ang pagpapanatili sa 100% indexation at transitioned contribution scheme. Sa naunang substitute bill, 50% ang ipinapanukalang indexation. Hindi na rin magkakaroon ng contribution… Continue reading Ad Hoc Committee Chair Salceda, tinatanggap ang mga pagbabago sa MUP Pension Reform bill na nais ni DND Sec. Teodoro

NLEX, pinaghahanda na ang mga motorista sa pagbigat ng trapiko sa opening ng FIBA World Cup

Nag-abiso na ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa inaasahang pagbigat ng trapiko sa ilang bahagi ng expressway dahil sa pagsisimula ng FIBA World Cup sa Philippine Arena sa Biyernes, August 25. Ayon sa NLEX Corporation, partikular na makararanas ng pagsikip ng trapiko ang patungo ng Bocaue/Santa Maria. Dahil dito, pinapayuhan na ang mga… Continue reading NLEX, pinaghahanda na ang mga motorista sa pagbigat ng trapiko sa opening ng FIBA World Cup

Kabutihan at dedikasyon ni DMW Sec. Ople na paglingkuran ang OFWs, inalala ng ilang kasama sa Gabinete

Nagluluksa rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers’ Secretary Susan “Toots” Ople. Sa isang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay at panalangin si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa naiwang mga mahal sa buhay ng yumaong kalihim at pati na sa buong tanggapan… Continue reading Kabutihan at dedikasyon ni DMW Sec. Ople na paglingkuran ang OFWs, inalala ng ilang kasama sa Gabinete

Mga senador, kinilala ang legasiyang naiwan ni Sec. Susan ‘Toots’ Ople sa sektor ng paggawa at sa migrant workers ng Pilipinas

Nakiramay ang mga senador sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople. Sa sesyon kahapon, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isa itong malungkot na araw para sa mga manggagawa at mga OFW. Sa hiwalay na pahayag, inilarawan ni Zubiri si Secretary Ople bilang isang dedicated public servant na… Continue reading Mga senador, kinilala ang legasiyang naiwan ni Sec. Susan ‘Toots’ Ople sa sektor ng paggawa at sa migrant workers ng Pilipinas