Nueva Ecija solon, pinababalik ang kapangyarihan ng NFA para magsilbing rice price stabilizer

Pinakokonsidera ni Nueva Ecija Representative Ria Vergara sa Department of Agriculture na isama sa kanilang legislative agenda ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL). Ito ay upang mapanumbalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) bilang stabilizer ng presyo ng bigas. Sa deliberasyon ng ₱167.5-billion 2024 proposed budget ng ahensya sinabi ni Vergara na kung… Continue reading Nueva Ecija solon, pinababalik ang kapangyarihan ng NFA para magsilbing rice price stabilizer

PNP, aminadong apektado ang morale ng kanilang mga tauhan dahil sa kaso ng pagpatay ng mga pulis sa isang binatilyo sa Navotas

Inamin ng Pambansang Pulisya na demoralisado ngayon ang karamihan sa kanilang mga tauhan kasunod ng pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa pag-abuso sa kanilang kapangyarihan. Ipinahayag ito ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kahapon tungkol sa pagkakapaslang ng mga… Continue reading PNP, aminadong apektado ang morale ng kanilang mga tauhan dahil sa kaso ng pagpatay ng mga pulis sa isang binatilyo sa Navotas

Economist-solon, pinasususpindi pansamantala ang pagpapataw ng taripa sa imported na bigas

Iminungkahi ni Appropriations Committee Senior Vice-Chair Stella Quimbo sa Department of Agriculture (DA) na suspindihin muna ang pagpapataw ng taripa sa imported na bigas. Sa paghimay sa panukalang budget ng DA, sinabi ni Quimbo na kung aalisin muna ang taripa sa inaangkat na bigas ay halos magiging kapantay lang nito ang presyo ng local rice… Continue reading Economist-solon, pinasususpindi pansamantala ang pagpapataw ng taripa sa imported na bigas

Ilang detalye hinggil sa burol ni yumaong Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople, inilabas na

Nakatakdang iburol ang labi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople sa Heritage Memorial Park sa Taguig City mamayang hapon. Ito ang ipinabatid ng DMW kasunod na rin ng biglaang pagpanaw ng kalihim kahapon ng hapon mula sa isang ospital sa Metro Manila. Gayunman, ipinabatid ng DMW ang kahilingan ng pamilya Ople… Continue reading Ilang detalye hinggil sa burol ni yumaong Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople, inilabas na

Pilipinas, nawalan ng isa sa mga tunay na makabayan sa pagpanaw ni Sec. Susan “Toots” Ople — VP Sara Duterte

Nagpaabot din ng kaniyang pakikiramay si Vice President Sara Duterte sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople. Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na nawalan ang Pilipinas ng isa sa mga maituturing na tunay na makabayan na inilaan ang sarili para sa pagtatanggol sa karapatan ng mga migranteng Pilipino at… Continue reading Pilipinas, nawalan ng isa sa mga tunay na makabayan sa pagpanaw ni Sec. Susan “Toots” Ople — VP Sara Duterte