National Technical Education and Skill Development Plan, inilunsad ng TESDA

Inilunsad ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang National Technical Education and Skills Development Plan para sa taong 2023 hangang 2028. Personal na pinasinayaan nina TESDA Secretary and Director General Suharto Mangudadatu, Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Senator Mark Villar, at US Ambassador to the Philippines Ambassador Marykay Carlson ang paglulunsad ng naturang programa.… Continue reading National Technical Education and Skill Development Plan, inilunsad ng TESDA

VP Sara Duterte, kumasa sa kahilingan ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na imbestigahan ang paggamit sa 2022 confidential fund ng OVP

Bukas ang Office of the Vice President (OVP) sa rekomendasyon ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa pag-imbestiga ng Commission on Audit (COA). Ito ay may kinalaman sa paggamit ng 2022 confidential fund ng OVP. Sa opisyal na pahayag na inilabas ngayong araw ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, sinabi ni Vice President at Education… Continue reading VP Sara Duterte, kumasa sa kahilingan ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na imbestigahan ang paggamit sa 2022 confidential fund ng OVP

Pagsasabatas ng dagdag na disability pension para sa mga beterano, pinuri ni Senador Jinggoy Estrada

Binigyang diin ni Senate Committee on National Defense Chairman Senador Jinggoy Estrada na malaking tulong pinansyal ang bagong pirmang batas na nagpapataas ng Veterans’ Disability Pension (RA 11958) para sa ating mga beterano at sa kanilang dependents. Ayon kay Estrada, ang batas na ito ay kumakatawan sa pagtupad sa pangako at paalala sa commitment natin… Continue reading Pagsasabatas ng dagdag na disability pension para sa mga beterano, pinuri ni Senador Jinggoy Estrada

Rekomendasyon ng Ombudsman tungkol sa mga sangkot sa isyu sa Pharmally, welcome sa mga senador

Pinuri ng mga senador ang rekomendasyon na inilabas ng Office of the Ombudsman tungkol sa sinasabing maanomalyang kontrata sa Pharmally pharmaceutical company ng mga COVID19 test kits. Matatandaang nagkaroon ng marathon hearing ang 18th Congress Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa isyung ito pero tanging draft committee report lang ang nailabas dito. Ayon kay kasalukuyang… Continue reading Rekomendasyon ng Ombudsman tungkol sa mga sangkot sa isyu sa Pharmally, welcome sa mga senador

DFA, inumpisahan na ang soft launch ng e-visa para sa Chinese tourists

Inumpisahan na ng Department of Foreign Affairs ang soft launch ng electronic visa sa isang consular office sa Shanghai at inaasahang ilulunsad na rin sa iba’t ibang Philippine Foreign Service Post sa China. Ayon kay DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr. ang naturang electronic visa ay sumailalim sa pagsusuri ng beta kaya… Continue reading DFA, inumpisahan na ang soft launch ng e-visa para sa Chinese tourists

Matagumpay na pag-host ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023, hangad ni Speaker Martin Romualdez

Maliban sa pagsuporta sa koponan ng Pilipinas ay hangad ni Speaker Martin Romualdez ang matagumpay na pag-host ng Pilipinas ng FIBA World Cup 2023. Malaki ang paniwala ni Romualdez, na dahil sa pagiging host ng Pilipinas ng FIBA World Cup ay mapupukaw ng bansa ang atensyon ng mga mahilig sa basketball. Umaasa ang House leader,… Continue reading Matagumpay na pag-host ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023, hangad ni Speaker Martin Romualdez

MRT-3, may handog na libreng sakay para sa mga atleta at delegado ng FIBA World Cup 2023

Magbibigay ng libreng sakay ang MRT-3 para sa mga atleta, volunteer, at iba pang delegado ng FIBA Basketball World Cup 2023 mula ngayong araw, August 25 hanggang September 10.  Ito ay bilang pagsuporta ng pamunuan ng MRT-3 sa Philippine Sports Commission, at sa lahat ng mga delegado ng nasabing patimpalak.  Kinakailangan lamang na ipakita ng… Continue reading MRT-3, may handog na libreng sakay para sa mga atleta at delegado ng FIBA World Cup 2023

DILG, inatasan ang LGUs, PNP, BFP na suportahan ang Balik-Eskwela sa August 29

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGU), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) na suportahan ang Balik Eskwela ng Department of Education sa August 29. Sa isang memorandum, hinikayat ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga LGU na pangunahan ang pagpapatupad ng Bantay… Continue reading DILG, inatasan ang LGUs, PNP, BFP na suportahan ang Balik-Eskwela sa August 29

Visa waiver program para mga Pilipino patungong Guam, tinalakay ni Speaker Romualdez at ng Guam Visitors Bureau President

Nag-courtesy call kay Speaker Martin Romualdez ang President at CEO ng Guam Visitors Bureau President na si Carl Tommy Cruz Gutierrez. Isa sa napag-usapa ng dalawang opisyal ay ang pagsusulong na mapabilang ang Pilipinas sa visa waiver program ng Guam-Commonwealth of the Northern Marianas Island o CNMI. Sa kasalukuyan ay mayroong nakahaing House Resolution 332… Continue reading Visa waiver program para mga Pilipino patungong Guam, tinalakay ni Speaker Romualdez at ng Guam Visitors Bureau President

Drug den, binuwag ng PDEA sa Pampanga; Apat na katao, arestado

Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Sta. Lucia resettlement sa Barangay San isidro, Magalang, Pampanga. Ito ay nagresulta sa pagkaka-aresto ng apat na drug suspects, at pagkakasamsam ng humigit-kumulang na P102,000.00 halaga ng shabu. Kinilala ang mga arestado na sina Benjamin Huit, 64 taong gulang, Randy Crusillo, 32 taong… Continue reading Drug den, binuwag ng PDEA sa Pampanga; Apat na katao, arestado