25 government officials sa Metro Manila, may banta sa kanilang seguridad -NCRPO

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 25 government officials sa National Capital Region (NCR) ang nakararanas ng pagbabanta sa kanilang seguridad.

Ayon ito sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), batay sa isinagawang threat assessment sa mga government officials sa buong Metro Manila.

Sa isinagawang validation ng NCRPO Regional Intelligence Division, lumalabas na mayroong tatlong Kongresista, dalawang Alkalde, isang Bise Alkalde, 9 na Barangay Chairman, 2 Barangay Councilor, at isang Sangguniang Kabataan Chairman ang nasa medium risk threat habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay NCRPO Spokesperson LtCol. Eunice Salas, ito ay dahil sa ilang factors na nararanasan ng mga lokal na opisyal tulad ng intense political rivalry, pagkakasangkot sa mga election-related incidents, pagkakatukoy na miyembro ng communist terrorist group, at maging death threats.

Dahil dito, ipinag-utos na ni NCRPO Chief PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa unit commanders na paigtingin pa ang pagpapatupad ng seguridad lalo na sa mga lugar na mayroong intense political rivalry.

May direktiba na rin ito na panatilihin ang close coordination sa mga politikong may mga banta sa seguridad.

Pinayuhan din ng NCRPO ang iba pang elected government officials na nakakaranas din ng pagbabanta na makipag-ugnayan sa pulisya para sa karampatang seguridad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us