Mga indibidwal o grupo na suportado ang development agenda ng pamahalaan, welcome sa PFP – Pangulong Marcos Jr.

Bukas ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa lahat ng mga indibidwal at grupo na naka-suporta sa mga polisiya ng pamahalaan, at isinusulong rin ang mga layuning tinututukan ng gobyerno sa kasalukuyan. “As the saying goes, politics is a game of addition. And so, whoever who cares to join us as part of a… Continue reading Mga indibidwal o grupo na suportado ang development agenda ng pamahalaan, welcome sa PFP – Pangulong Marcos Jr.

Kongreso, planong bumuo ng cancer endowment fund na ipapangalan kay yumaong DMW Secretary Toots Ople

Balak ng Kongreso na maglagay ng cancer endowment fund sa ilalim ng pangalan ni pumanaw na Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople. Sinabi ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos ang pagbisita nilang mga senador sa lamay ni Secretary Ople, kahapon. Ayon kay Zubiri, ang pondong maiipon dito ay ibibigay sa… Continue reading Kongreso, planong bumuo ng cancer endowment fund na ipapangalan kay yumaong DMW Secretary Toots Ople

Pilipinas at Australia, “committed” sa joint patrol sa West Philippine Sea

Nagpahayag ng commitment ang Pilipinas at Australia na pagplanuhan ang “bilateral joint patrol” sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro at Australian Deputy Prime Minister at Minister for Defence Richard Marles sa isang joint statement matapos magsagawa ng pulong bilateral. Ang pagpupulong ng dalawang opisyal ay… Continue reading Pilipinas at Australia, “committed” sa joint patrol sa West Philippine Sea

Mambabatas, nababahala sa bagong travel requirement ng IACAT sa mga biyaherong Pilipino at migrant workers

Nababahala sa House Committee on Constitutional Amendments Chair at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na malalabag ang right to travel at right to privacy ng mga Pilipino sa mas mahigpit na travel requirement ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT). Bilang dating immigration commissioner, sinabi pa ni Rodriguez na ang paghingi ng patunay sa financial… Continue reading Mambabatas, nababahala sa bagong travel requirement ng IACAT sa mga biyaherong Pilipino at migrant workers

MPD, magsasagawa ng seremonya para sa mga pulis na magiging bahagi ng BSKE

Nakatakdang magsagawa ng send off ceremony bukas August 26, 2023, ang pamunuan ng Manila Police District para sa mga tauhan nito na sasabak sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ayon kay MPD PIO Chief Major Phillip Ines, mahigit isanlibong tauhan ng MPD ang kabilang sa nasabing send off ceremony. Dagdag pa ni Ines, kasunod ng… Continue reading MPD, magsasagawa ng seremonya para sa mga pulis na magiging bahagi ng BSKE

“Area Task Force North” sa pangunguna ng NOLCOM, tututok sa maritime security sa hilagang bahagi ng bansa

Nagpulong sa unang pagkakataon kahapon ang “Area Task Force North” sa headquarters ng Northern Luzon Command (NOLCOM), para tutukan ang seguridad sa karagatan sa hilagang bahagi ng bansa. Ang “Area Task Force North” na pinamumunuan ni NOLCOM Commander Lt. Gen. Fernyl Buca ay kinabibilangan ng Philippine Coast Guard, PNP Regional Maritime Units, Bureau of Fisheries… Continue reading “Area Task Force North” sa pangunguna ng NOLCOM, tututok sa maritime security sa hilagang bahagi ng bansa

Pagbubukas ng klase sa 10 EMBO barangays handa na

Isang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan, handa na ang mga estudyante ng Taguig kasama ang mga mula sa 10 EMBO barangays. Nasimulan na rin kasi nila ang pamamahagi ng school packages sa mga estudyante. Ang school package na ibinibigay ng Taguig LGU sa mga paaralan ay nakadepende sa grade level… Continue reading Pagbubukas ng klase sa 10 EMBO barangays handa na

Isa sa mga pinakamalaking bangko sa South Korea, nangako ng suporta sa mga proyekto ng DOTr

Nagpahayag ng suporta ang Export-Import Bank of Korea sa Department of Transportation o DOTr para pondohan ang iba’t ibang infrastructure project na makatutulong sa pagpapalago ng transportation landscape sa bansa. Kahapon, nakipagpulong ang mga opisyal ng KEXIM sa DOTr para talakayin ang mga kasalukuyang proyektong pinpondohan nila gaya ng Dumaguete Airport Development Project. Gayundin ang… Continue reading Isa sa mga pinakamalaking bangko sa South Korea, nangako ng suporta sa mga proyekto ng DOTr

Phil. Army contingent, nasa Darwin, Australia na para sa Carabaroo 2023 military exercise

Nagsagawa ng planning conference ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defense Force sa Robertson Barracks, Darwin, Northern Territory, Australia kahapon. Ito’y kasunod ng pagdating sa Australia ng 138 miyembro ng Philippine Army contingent na lalahok sa Carabaroo 2023 joint military exercise ng dalawang bansa. Sa planning conference, inilatag ng… Continue reading Phil. Army contingent, nasa Darwin, Australia na para sa Carabaroo 2023 military exercise

DSWD, hinikayat ang publiko na i-report ang mga kaso ng child abuse sa Makabata Helpline 1383

Hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na huwag mangiming ireport sa Makabata Hotline 1383 ang anumang kaso ng child abuse. Ang Makabata Hotline ay isang mekanismong binuo ng Council for the Welfare of Children (CWC), attached agency ng DSWD, para maghatid ng agarang tugon, magmonitor, at magbigay ng feedback via… Continue reading DSWD, hinikayat ang publiko na i-report ang mga kaso ng child abuse sa Makabata Helpline 1383