3 miyembro ng NPA sa Masbate, sumuko sa awtoridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang tatlong (3) miyembro ng New People’s Army (NPA) nitong hapon ng Agosto 8, sa Cataingan, Masbate.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Regional Office 5, ang mga sumuko na ito ay dating kaanib ng ‘NPA in the Barrio’ sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson o mas kilala bilang ‘Manong.’

Agad na nagsagawa ng debriefing ang mga awtoridad para sa naturang rebel returnees. Sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ay aalalayan din ang mga ito sa kanilang pagbabalik-loob sa lipunan.

Tiniyak naman ng PNP Bicol at Philippine Army na mabibigyan ng tulong pinansiyal at livelihood assistance ang tatlong rebel returnees, pati na rin ng iba pang suporta mula sa pamahalaan, kasabay ng pagsiguro din sa kanilang kaligtasan.| ulat ni Jann Tatad| RP1 Virac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us