Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer hinggil sa tamang pasweldo sa mga empleyado para sa dalawang araw na holiday ngayong Agosto.
Ayon sa Labor Advisory No. 17 Series of 2023 na inilabas ng DOLE, idineklarang special non-working holiday ang August 21 at regular holiday ang August 28.
Dahil dito, kung papasok ang isang empleyado sa August 21, dapat siyang makatanggap ng additional 30% sa unang walong oras ng kanyang arawang sweldo; bukod pa sa karagdagang 30% kada oras sakaling mag-overtime ito.
Dagdag pa ng DOLE, dahil deklaradong Regular Holiday ang Agosto 28, asahan na ang double pay para sa empleyadong papasok sa araw na ito sa kanilang unang walaong oras ng kanilang trabaho.
Bukod pa sa karagdagang 30% ng arawang sahod kapag nag-overtime. | ulat ni Lorenz Tanjoco