4 na international flights ng PAL at Cebu Pacific, kinansela ngayong tanghali dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang dalawa nitong international flight dahil sa masamang panahon sa destinasyon nito.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, kabilang sa mga kinansela ang PAL flight PR 418/419 Maynila patungong Busan at pabalik ng Maynila.

Kanselado din ang dalawang international flight ng Cebu Pacific flight 5J 922/923 mula Maynila patungong Fukuoka at pabalik ng Maynila.

Dahil dito, inaabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund sa kanilang mga biyahe. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us