40 PDL, ooperahan sa mata ngayong araw sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinansela ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakatakdang presentasyon ng mga nakumpiskang kontrabando sa mga inmates sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ay upang iprayoridad ang kalusugan ng 40 Person Deprived of Liberty (PDL) na isasalang sa cataract operation.

Nabatid kaninang alas-8 ng umaga ay dinala ang mga nasabing inmates sa Tzu Chi Philippines sa 1000 Cordillera Corner Libiran Street., Bacood, Sta. Mesa kung saan sila ooperahan.

Matatandaang ilang araw nagsu-surrender ng mga kontrabando ang mga preso sa NBP matapos na galugarin ang kanilang mga kuta.

Kahapon naman ang huling araw na ibinigay ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa mga inmate upang isuko ang mga kontrabando.

Pagkatapos ng operasyon, agad din namang ibabalik sa piitan ang mga preso na isasailalim sa medical mission. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us