4K benepisyaryo sa Pangasinan, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 1,000 benepisyaryo ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation mula sa Urbiztondo, Pangasinan ang nakatanggap ng 3,000 tulong pinansyal mula sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development.

Personal na pinangunahan ni Sen. Imee Marcos ang ginawang distribusyon sa Urbiztondo Sports Complex nitong August 21, 2023, katuwang ang lokal na pamahalaan na pinapangunahan ni Urbiztondo Mayor Modesto Operania.

Namahagi din ng mga bags na may kasamang school supplies, nutriban at laruan sa limangdaang (500) bata sa lugar.

Sa naging talumpati ni Sen.Marcos, ang nasabing assistance ay kaunting tulong lamang sa mga Senior Citizens, TODA, Solo Parents at mga PWDs upang matiyak na makapag-aral parin at tuloy-tuloy ang buhay sa kabila ng iba’t ibang krisis na kinakaharap ng bansa.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Operania sa senadora dahil sa pagbisita nito at pagbibigay tulong sa kaniyang kababayan.

Umabot sa 4,000 na benepisyaryo ang kabuuang nakinabang sa tulong pinansyal ng DSWD-AICS matapos tinungo ng Senadora ang bayan ng Alcala, Basista at Mangatarem upang pangunahan din ang pamamahagi ng kahalintulad na assistance sa tatlong libong benepisyaryo nasabing mga bayan.| ulat ni Verna Beltran| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us