Apat na libong (4,000) metriko toneladang puslit na refined sugar ang pormal nang ipinagkaloob ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Agriculture (DA).
Ayon sa DA, ang mga nakumpiskang puslit na asukal ay ibebenta na sa KADIWA markets.
Nagmula ang shipment ng asukal sa Thailand at naharang at kinumpiska sa Port of Batangas noong nakaraang Abril.
Ang hakbang ng DA at BOC na ibenta sa KADIWA markets ang puslit na asukal ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matugunan ang mataas na presyo ng basic commodities tulad ng asukal. | ulat ni Rey Ferrer