Ipagkakaloob na bukas ng National Housing Authority (NHA) sa 50 pamilyang katutubo ang kanilang bagong bahay sa Brgy. Joaquin dela Cruz, Sta, Fe Nueva Vizcaya.
Ang proyektong ito ay kabilang sa Housing Assistance Program for Indigenous Peoples, isa sa mga pangunahing programa ng NHA para sa IPs.
Naisakatuparan ito sa pakikipagtulungan ng National Commission for Indigenous Peoples at mga lokal na pamahalaan.
Nilalayon nitong mapaunlad ang pamumuhay ng mga katutubong Pilipino, alinsunod din sa Indigenous Peoples Rights Act of 1997.
Sa isang mensahe, sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na kasama sa mga panuntunan sa pagbuo ng mga proyektong pabahay ng IPs ang kultura at tradisyon ng tribong kanilang kinabibilangan. | ulat ni Rey Ferrer