Tuloy-tuloy ang programang Green Canopy Project ng Pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan kung saan bayan ng Agno ang naging destinasyon ngayong araw, ika-16 Agosto 2023.
Umakyat sa bilang na 250 puno ng Narra at 250 puno ng Kasoy ang naitanim sa nasabing bayan.
Pinangunahan ng Provincial Population Cooperation and Livelihood Development Office (PPCLDO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang mga kawani ng PNP, BFP at mga volunteers ang nasabing kaganapan.
Ang Proyekto ay inisyatibo ni Gov. Ramon Guico III, kung saan umabot na sa bilang na 24,342 puno ng narra at kasoy ang naitanim.
Layunin ng programa ang makapagtanim ng isang milyong puno ngayong taon. Nais rin ng proyekto na mas mapangalagahan ang kalikasan at mas maipalabas ang bolunterismo ng mga Pangasinense.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan