Higit kalahati ng mga Pilipino ang pabor sa pagpapaigting ng ugnayang militar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa gitna ng nananatiling tensyon sa West Philippine Sea (WPS) ayon yan sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.
Sa resulta ng survey na isinagawa mula July 22-26, lumalabas na 54% ng mga Pilipino ang sang-ayon sa pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos para matugunan ang territorial dispute sa WPS.
Nasa 11% naman ang hindi pabor sa hakbang na ito habang 32% ang undecided.
Pinakamalaking bilang ng mga pumabor ay mula sa respondents sa Balanced Luzon at Mindanao habang karamihan naman ng hindi pabor ay mula sa Visayas.
Kung hihimayin naman sa socioeconomic brackets, ang mga respondents mula sa Class E ang may pinakamataas na porsyento ng pabor sa expansion ng US-PH cooperation.
Samantala, lumabas rin sa survey na 58% ng respondents ay pabor sa pagpapalakas pa ng military cooperation sa US para matugunan ang external threats sa bansa.
May 12% ang hindi pabor dito, habang 28% naman ang undecided. | ulat ni Merry Ann Bastasa