600 solo parents, nakinabang sa ‘Tindahan ni Ate Joy’ program ng QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 600 solo parents ang tumanggap ng livelihood aid mula sa “Tindahan ni Ate Joy” livelihood program ng pamahalaang Lungsod ng Quezon.

Sa ilalim ng program, binigyan ng groceries na nagkakahalaga ng ₱10,000 ang bawat benepisyaryo bilang suporta para magkaroon ng sariling kabuhayan.

Pinangunahan mismo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at Councilor Ellie Juan ang opisyal na turnover ng mga grocery sa mga benepisyaryo, kasama ang mga dating persons deprived of liberty (PDL), at survivors ng violence and abuse na tinulungan ng Quezon City Protection Center (QCPC).

Sa kanyang talumpati, ipinunto ni Mayor Joy na batid ng lokal na pamahalaan ang hirap na dinadanas ng mga solo parent kaya sila ang prayoridad sa mga programa ng LGU.

Ito na ang ika-11 batch ng Tindahan ni Ate Joy program na nagsimula noon pang 2013.

Bukod sa groceries, sumasailalim din ang mga benepisyaryo sa mga pagsasanay para sa tamang pamamalakad ng kanilang negosyo at wastong pagpapaikot ng kanilang kita. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us