Nakatanggap ng tulong ang 73 dating rebelde sa probinsya ng Antique sa isinagawang peace summit sa Culasi Central School sa Culasi, Antique.
Ang nasabing mga rebelde nakatanggap ng 5,000 financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nagbigay naman ng P15,000 Pangkabuhayan Package ang Department of Trade and Industry (DTI) sa 20 benepisyaryo.
Bukod sa financial assistance, natulungan rin ang mga dating rebelde kung paano i-avail ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan.
Nagpapasalamat naman ang mga dating rebelde sa natanggap na tulong sa pamahalaan. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo