Tatlo sa apat na mga adult Pinoy ang nananatiling mahusay sa pananalita, pagbabasa, pagsusulat, at pag-intindi ng wikang Filipino, ayon yan sa SWS Survey.
Batay sa survey na isinagawa noong Marso ng 2023, lumalabas na 96% ng respondents ang nagsabing nakakabasa sila ng Filipino, 93% naman ang nakakapagsulat ng Filipino, 87% ang kayang makipag-usap sa Filipino, habang 75% ang nag-iisip sa Filipino.
Ayon pa sa survey, mas maraming Pilipino ang gumagamit ng ‘Filipino’ nitong Marso kumpara noong Setyembre ng 2000.
Samantala, inalam din sa survey ang kakayahan ng respondents sa Ingles kung saan lumalabas na 80% ng mga Pinoy ang nakakaintindi ng Ingles, 80% ang nakakabasa ng Ingles, 69% ang may kakayahang magsulat nito, 55% ang kayang magsalita sa Ingles, habang 47% ang nag-iisip sa Ingles.
Isinagawa ang survey mula March 26-29 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na may edad 18 pataas. | ulat ni Merry Ann Bastasa