Inamin ng National Dairy Authority (NDA) na halos lahat ng dairy product ng Pilipinas ay imported o inaangkat sa ibayong dagat.
Sa naging deliberasyon ng panukalang pondo ng Department of Agriculture, natanong ni House Deputy Majority Leader at Quezon Rep. David Suarez ang self-sufficiency level ng bansa sa dairy o milk products.
Tugon ni NDA Administrator Gabriel Lagamayo, nasa isang porysento lang ang milk self-sufficiency ng bansa sa nakalipas na tatlong taon.
Ibig sabihin, 99% ng kinakailangang dairy product ng Pilipinas ay imported.
Ayon sa datos ng NDA, pangunahing pinanggagalingan ng dairy product ng Pilipinas ang Estados Unidos, New Zealand, Belgium, Australia at Indonesia. | ulat ni Kathleen Jean Forbes