Acorda kinumpirmang may nasampahan na ng kaso sa 18 3rd level officers ng PNP na nag-courtesy resignation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni PNP Chief P/General Benjamin Acorda Jr. na may mga nasampahan na ng kaso sa 18 matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nag-courtesy resignation na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Acorda, may mga nasampahan na ng kasong administratibo at kriminal sa nasabing mga pulis.

Kasama ito sa 69 na kasong administratibo at kriminal na isinampa ng Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) sa Office of the Ombudsman at National Police Commission.

Kahit tanggal na sa serbisyo, tiniyak naman ng opisyal na tuloy-tuloy ang imbestigasyon sa nasabing 3rd level officers.

Si PNP Chief P/General Benjamin Acorda Jr. ay bumisita sa siyudad ng Iloilo para pangunahan ang 122nd Police Service Anniversary Celebration ng Police Regional Office 6. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us