Naghain ng resolusyon sina ACT-CIS party-list Representatives Erwin Tulfo, Jocelyn Tulfo at Edvic Yap para paimbestigahan ang ginagawang Manila Bay reclamation project.
Partikular na pinakikilos ang House Committees on National Defense and Security, Ecology at iba pang angkop na komite para silipin ang implikasyon ng proyekto hindi lang sa kapaligiran ngunit maging sa national security ng bansa.
Bagamat maaari anila itong magdala ng economic activity ay malaki naman ang banta nito sa coastal at marine biodiversity.
“Although the ongoing land reclamation may offer potential economic benefits and development opportunities, it also raises concerns about its environmental impact, such as the alteration of the coastal processes, and the possbile effects on water quality and marine biodiverity.” saad sa resolusyon.
Tinukoy sa House Resolution 1171 na ang kumpanya na may hawak ng proyekto, ang China Communication Construction Co., ay tinukoy ng World Bank at Asian Development Bank na sangkot sa fraudulent business practices.
Ayon pa kay Rep. Erwin, kaisa si Speaker Martin Romualdez sa paghahayag ng pagkabahala sa kung sino ang nagbabantay sa mga Chinese vessel na ito na nagsasagawa ng reclamation.
“A comprehensive inquiry, in aid of legislation, is essential to assess the current status of Manila Bay reclamation projects including their compliance with environmental laws, the potential social, economic and national security consequences.” sabi pa sa HR 1171. | ulat ni Kathleen Jean Forbes