Bagong miyembro ng House Committee on Rules si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo.
Sa sesyon ngayong hapon, August 9, ay nag-mosyon si House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos para sa nomination ng mga bagong miyembro ng naturang komite.
Kabilang dito si Tulfo na itinalaga bilang Deputy Majority Leader.
Matatandaan na noong nakalipas na linggo ay pormal na nanumpa si Tulfo bilang miyembro ng Kamara.
Itinalaga rin bilang deputy majority leader si Isabela Rep. Christopher Go, habang Assistant Majority leaders naman sina Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, Cebu Rep. Daphne Lagon, at Cavite Rep. Crispin Diego Remulla. | ulat ni Kathleen Forbes