Adolescent Pregnancy Prevention Act, matatalakay na sa plenaryo ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posible nang maiakyat sa Plenaryo para pagdebatihan ang House Bill 8910 o Adolescent Pregnancy Prevention Act.

Layunin nitong bigyan ng access ang sexually active minors sa family planning methods gayundin ang pagtuturo ng reproductive health at sexuality education na angkop sa kanilang edad.

Ang mga edad 15 hanggang 18 ay bibigyang access sa Reproductive Health information at services kabilang ang legal contraceptives nang hindi kinakailangan ng parental consent.

Bibigyang access din ang mga wala pang 15 taong gulang nang walang parental consent kung sila ay buntis o nakaranas ng sexual assault, miscarriage, sexually active o engaged sa ‘high-risk behavior.”

Kung mayroon naman kapansanan sa pag-iisip ang indibidwal na mas bata sa 15-taong gulang ay kailangan ng consent ng magulang bago mabigyan ng access sa Reproductive Health services.

Aatasan naman ang Department of Education na bumuo ng pamantayan, module, at iba pang materyales para sa Comprehensive Adolescent Sexuality Education (CASE) katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Titiyakin din dito ang social protection ng mga adolescent parents upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makapagtrabaho. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us