Agricultural terminal, ilulunsad na ng Department of Trade and Industry

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang ilulunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang agricultural terminal.

Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual, na nakatakda siyang bumisita sa Nueva Vizcaya para sa launching ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT).

Layon aniya nito, na solusyunan ang price gap sa pagitan ng mga agri producer at mga consumer.

Makikipag-ugnayan din aniya sila sa Philippine Competition Commission, para naman sugpuin ang mga pamamaraan ng iba’t ibang negosyante para mapataas ang presyuhan ng kanilang mga produkto.

Meron ding inilunsad na digital app ang DTI na Philippine Ecommerce Platform o PEP, para naman sa mga micro, small and medium enterprise (MSMEs), para mapalawak ang merkado ng mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us