Nakikiisa si Liberal Party President at Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa paggunita ng ika-40 taong anibersaryo ng pagkamatay ni dating Sen. Ninoy Aquino.
Ayon kay Lagman iba-iba ang pamamaraan ng mga Pilipino para ipakita ang pagmamahal sa bansa.
Halimbawa aniya ang civic duty, pagsusulong ng reporma at minsan ay pag-aalay ng buhay.
Lahat aniya ng ito ay ginawa ng dating senador para lang mapanumbalik ang demokrasya sa bansa.
Dagdag pa nito na sa kabila ng malagim na pagpatay kay Ninoy, imbes na takot ay inspirasyon aniya ang ibinigay nito sa mga Pilipino.
Ang pagkakapaslang aniya sa dating senador ay nagbigay boses sa mga Pilipino na nagresulta sa 1986 EDSA People Power Revolution.
“Filipinos manifest their love of country in different ways like doing their civic duty, crusading for meaningful reforms, resisting oppression and repression, campaigning for a change in abusive and derelict national leadership, and even sacrificing their life for the motherland. Sen. Ninoy Aquino did all of these including forfeiting his life so that democracy can be restored in the Philippines and Filipinos can enjoy the blessings of democracy.” ani Lagman. | ulat ni Kathleen Jean Forbes