Naghanda si Albay 2nd Representative Joey Sarte Salceda, Ad hoc Chairman ng MUP Pension Reform Bill, ng solusyon sa naging punto ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ukol sa panukalang batas.
Naniniwala ang ekonomistang mambabatas na matutuwa ang kalihim sa solusyon na kanyang inihanda sa pahintulot ng Speaker of the House at Presidente.
Ani Salceda, mas maiging agad na inihayag ng kalihim, ang kanyang saloobin ukol sa panukala.
Aniya, dalawang beses na siyang naging pinuno ng ad hoc committee.
Ang Ad Hoc Committee ay makapangyarihang komite na binubuo pawang ng Chairman ng Appropriation, Ways and Means, National Defense, Peace Order and Government Enterprises.
Tinuran niyang isang challenge ang concern na ito ng Department of National Defense na dapat maisaalang-alang.
Binigyan diin niya na sa pagkonsidera sa kanilang hanay at ibang sektor, ang reporma ay lalong magiging workable at feasible dahil sa suportado ito ng lahat dahil ito ay para sa bayan. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay