ALON 2023, pormal nang nagtapos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nagtapos ngayong araw ang Amphibious and Land Operation (ALON) Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Bahagi ito ng “Indo-Pacific Endeavour” ng Australia na layong itaguyod ang seguridad, katatagan at pagtutulungan ng mga bansa.

Sa pamamagitan nito, mapaiigting ang bilateral at multilateral engagement training, capacity building at humanitarian efforts ng Pilipinas at Australia.

Pinangunahan nila Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. at Australian Chief of Defense Force General Angus Campbell ang seremonya sa Kampo Aguinaldo.

Ang Exercise ALON 2023 ay nilahukan ng may 1,000 tauhan mula sa AFP; nasa 1,200 tauhan ng Australian Defense Force at 150 mula sa United States Marine Corps.

Ilan sa mga isinagawa sa nakalipas na pagsasanay ay ang air assault exercise sa Palawan gayundin ang combined amphibious assault exercise sa Zambales, habang isasagawa naman sa Huwebes, Agosto 31 ang live fire training sa Capas, Tarlac. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: AFP-PAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us