Welcome para kay House Committee on Constitutional Amendments Chairperson Rufus Rodriguez ang pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pederalismo.
Sa oath taking ng bagong mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na sa pamamagitan ng pederalismo ay mabibigyang ng awtonomiya ang mga rehiyon na lumago at umunlad.
Sinabi pa ng Pangulo na kung nakasentro lang sa Metro Manila ang kapangyarihan, buong Pilipinas ang maaapektuhan kapag ito ay bumagsak.
Ngunit paalala ni Rodriguez, para maisakatuparan ang pederalismo ay kailangan ng charter change—at kailangan na maisagawa ito sa ikalawang taon ng termino ng Presidente.
“I laud and commend the President for saying all he has been doing was equivalent to the ‘first step of the federal government…in all but name. If he wants LGUs to be more autonomous, he should work for shifting the nation to a federal system of government. This will require constitutional amendments,” sabi ni Rodriguez.
Aniya kaya hindi umusad ang pederalismo noong nakaraang mga administrasyon ay dahil sa ginawa ito malapit sa pagtatapos ng kanilang termino at suspetsa ng publiko ay para mapahaba ang kanilang pananatili sa pwesto.
Hirit naman ni Rodriguez na kung itutuloy ang Cha-Cha ay isama na ang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes