Angkas, suportado ang itinatayong Motorcycle Riding Academy ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pagsuporta ang motorcycle ride-hailing firm na Angkas sa itinatayong Motorcycle Riding Academy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa Meralco Avenue sa Pasig City.

Sa courtesy call kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes at MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana, ipinahayag ng mga kinatawan ng Angkas na sina Jauro Castro at Dorris Jimenez, na magkakaloob ang ride-hailing firm ng 20 motorcycle units, raincoats, at tents na gagamitin para sa Motorcycle Riding Academy.

Ayon sa kanila, malaking tulong ang pagkatuto ng riders sa academy sa gitna ng maraming aksidente na sangkot ang mga motorsiklo.

Tutulong din sila sa Motorcycle Safety Training Course module, na magbibigay sa beginners at experienced riders ng tamang training at basic knowledge sa pagmamaneho ng motorsiklo.

Prayoridad din ng Angkas na kunin ang mga rider na magtatapos sa riding academy ng MMDA.

Nakatakda namang buksan ang MMDA Motorcycle Riding Academy sa Setyembre ngayong taon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us