Pansamantala munang pinalikas ang nasa 6 na pamilya mula sa Sitio Riverside Brgy. Pulangbato, lungsod ng Cebu kasabay ng nangyaring pagguho ng lupa kahapon ng hapon.
Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office head, Harold Alcontin ang gumuhong lupa sa nasabing lugar ay bahagi ng inabandonang quary site.
Dahil sa nararanasang pag-ulan dito sa lungsod dahil sa epekto ng hanging habagat ay bumihgay aniya ang portion ng quary site.
Bagama’t wala namang direktang naapektuhan ,iniutos pa rin ng CCDRRMO na pansamantala munang lumikas ang mga residente na nakatira sa 50 meter radius ng quary site upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Pinabantayan na rin sa mga Brgy. Tanod ang lugar upang masigurong walang makapasok.
Nakipag-ugnayan rin ang CCDRMMO sa kontraktor ng quary site upang mahakot ang mga gumuhong lupa.
Nagbigay naman ng food packs ang Department of Social Welfare Services o DSWS sa mga apektadong residente.
Napag-alaman na isa ang Brgy. Pulangbato sa 30 mga barangay dito sa lungsod ng Cebu na na classify bilang landslide prone area. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu