Kahit humupa na ang mga malalakas na pag-ulang dulot ng habagat at mga nagdaang bagyo ay patuloy pa rin ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa pinakahuling update ng PAGASA Hydro-meteorological Division, as of 6am ay umakyat pa sa 199.82 meters ang lebel ng tubig sa Angat mula sa 199.69 meters kahapon.
Ayon kay PAGASA Senior Hydrologist Oyie Pagulayan, nagpapatuloy pa rin ang mga mahihinang pag-ulan sa watershed na nakakadagdag sa lebel ng tubig ng dam.
Patuloy naman ang pagpapakawala ang tubig ng Ambuklao Dam na nakabukas pa rin ng kalahating metro ang isang gate habang dalawang gate naman ang nakabukas sa Binga Dam na may opening na isang metro.
Habang nabawasan na ang lebel ng tubig sa Ipo Dam, San Roque, at Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa