Apektado ng Bagyong Goring, higit 300,000 indibidwal na — NDRRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa 85,395 pamilya o 305,481 indibidwal ang naaapektuhan ng bagyong Goring sa bansa.

Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nagmula ang mga apektadong residente sa 1,152 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

Habang umakyat sa 10,468 pamilya o 38,021 indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 469 evacuation centers.

Nananatili sa isa ang naiulat na nawawala sa Western Visayas.

Nagpapatuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno kabilang na ang ready to eat food, family food packs, family kit, hygiene kit, at financial assistance. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us