Kinansela ng Department of Justice ang bagong rebisa na guidelines for departure formalities sa bansa.
Ito ay sa kadahilanang nais linawan ng Department of Justice sa publiko at mga senador ang mga isyu na bumabalot sa nasabing panuntunan.
Ayon sa DOJ, naiintindihan ng ahensya ang mga agam-agam ng mga senator na tinuturing ding mga representante ng publiko kaya naman tiniyak ng DOJ ang kanilang commitment sa karapatan at kapakanan ng bawat indibidwal kabilang ang malayang paglalakbay.
Kasabay nito ay tiniyak din ng DOJ na ang kanilang revised guidelines para sa mga aalis ng bansa ay naglalayon lamang ng balanseng pagsisiguro sa kapakanan ng national security at maayos na pagbiyahe.
Sa kabila naman ng naturang temporary cancellation ay binigyang diin ng DOJ ay patuloy pa rin ang implementasyon ng mga kasalukuyang batas at regulasyon sa paglalakbay at immigration procedures. | ulat ni Lorenz Tanjoco