“Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” dry-run, inilunsad sa Biliran

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang dry-run ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Naval, Biliran.

Sa naturang programa, pinagsama-sama sa iisang bubong ang may 50 programa at serbisyo na hatid ng 33 ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Romualdez ang dalawang araw na serbisyo fair sa Biliran ay tugon sa hamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang ibinibigay na serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Hinamon tayo ni Pangulong Marcos, Jr. na pabilisin ang paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa bawat sulok ng bansa. At bilang tugon dito, naisipan naming maglunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Kasama natin sa adhikain na ito ang buong kasapian ng House of Representatives,” ani Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara.

Nagpasalamat naman si Biliran Rep. Gerardo “Gerryboy” Espina, Jr. dahil napili ang kanyang probinsya na pagdausan ng dry-run.

“Nagpapasalamat kami kay Presidente Bongbong Marcos dahil sa ilalim ng kanyang pamumuno nagkakaroon na tayo ng mga ganitong program ana mas pinapadali para sa taong bayan na makatanggap ng serbisyo mula sa gobyerno,” sabi ng kongresista.

Sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, inaasahang makapaghahatid ng serbisyo sa mahigit 900,000 indibidwal.

Sa Biliran ay nasa 26,000 ang nakinabang sa mga serbisyo at programa kasama na ang 20,000 na nabigyan ng ayuda sa ilalim ng AICS, TUPAD, at Scholarship program.

Habang may mahigit 5,000 na residente na nabigyan ng non-cash assistance gaya ng health at medical services.

Ang mga makukuhang serbisyo sa Serbisyo Fair ay ang mga sumusunod:

1. Financial assistance programs

2. Medical and dental assistance (LAB for ALL)

3. Kadiwa ng Pangulo

4. SB Corp. services para sa MSMEs

5. Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG)

6. Educational assistance

7. Burial assistance

8. Transportation assistance

9. Enrollment sa TUPAD o GIP

10. Legal counseling

11. Farm inputs at makinarya

12. Tulong Dunong Program

13. TESDA scholarships at enrollment sa mga programa nito.

Kasama rin sa Serbisyo Fair ang:

1. LTO driver’s license renewal

2. DFA passport application

3. NBI clearance application

4. Police clearance application

5. LTOPF renewal/application

6. PSA birth certificate application

7. Pag-ibig membership at housing loan

8. SSS membership application

9. GSIS UMID application

10. Postal ID application

11. National ID application

12. First Responders’ training/enrollment

13. PhilHealth consultation

14. Public service training

15. PRC renewal

16. PAO free legal services

17. PhilHealth registration

Batay sa tentative schedule ang Serbisyo Fair ay pupunta rin sa Davao de Oro (Sept. 8-9), Leyte (Sept. 9-10), Ilocos Norte (Sept. 11-12), Laguna (Sept. 30 to Oct. 1), Camiguin (Oct. 14-15), Bohol (Oct. 28-29), Camarines Norte (Nov. 11-12), Bukidnon (Nov. 25-26), at Eastern Samar (Dec. 9-10). | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us