Inilatag ng bagong-upong Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang kanyang command guidance sa mga opisyal ng Phil. Army, sa kanyang unang command conference sa Army Headquarters kahapon.
Ayon kay Phil. Army Spokesperson Colonel Xerxes Trinidad, ang mga prayoridad na isusulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief ay binansagang “A.R.M.Y”.
Ito ay acronym para sa “Always Pray for divine guidance”, “Reliable, Responsive, Relevant to the needs of the Nation”, “Mission-oriented for troop Morale”, at “Yield personal interests and comfort for unity”.
Paliwanag ni Trinidad, ang mga prayoridad ni Lt. Gen. Galido ay nakatuon sa paghahanda sa 110,000 tauhan ng Philippine Army na harapin ang hamon ng pagiging isang agile, adaptable, competitive, at world-class Army.
Ang command conference ay dinaluhan ng Philippine Army Major Unit Commanders, PA Command Group, General Staff, Personal Staff, Special Staff, Technical Staff, Functional Commands, Specialty Enablers, at PA-Wide Support and Separate Unit Commanders, at iba pang key officials na lumahok online. |ulat ni Leo Sarne