Nagsisimula na namang magkaroon ng build-up ng trapiko sa bahagi ng North Luzon Expresswat (NLEX) sa San Simon, Pampanga dahil sa pagbaha pa rin na umaabot sa kalsada.
Sa abiso ng NLEX, as of 6:23am ay nasa higit isang kilometro na ang pila ng mga sasakyan sa NLEX northbound patungong San Simon, Pampanga.
Dahil dito, nasa lima hanggang 10 kilometro ang running speed ng mga motorista sa bahaging ito ng NLEX dahil na rin sa 40 centimeters na lalim ng baha.
Gayunman, passable pa rin naman ang kalsada sa lahat ng mga sasakyan maging ang southbound area na mayroon namang 50 centimeters na lalim ng baha sa rightmost lane.
Ang mga pagbaha sa NLEX San Simon ay dulot pa rin ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Pampanga River.
Una nang nag-install ng mga sandbag ang NLEX para mabawasan ang pagbaba sa mga kalsada.
Naka-deploy rin ang mga patrol teams para tumulong sa pagmamando ng sitwasyon ng trapiko.
Samantala, light traffic naman ang nararanasan sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX kabilang ang toll plazas at interchanges. | ulat ni Merry Ann Bastasa