Muling kinalampag ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang Bureau of Animal Industry (BAI) at Food and Drug Administration (FDA) na bilisan ang pag-procure ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Villafuerte dapat madaliin na ng FDA ang registration process sa local commercial use ng Vietnamese-made ASF vaccine upang agad ding makapag-roll out ng vaccination drive ang BAI.
Matatandaan na una nang sinabi ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na may 80% na pagiging epektibo ang naturang bakuna laban sa ASF.
“The FDA and BAI need to hit the gas with this vaccination drive to put an end to the wholesale deaths and selective slaughter of hogs, allow swine raisers to recover and repopulate their farms or backyards, and eventually stabilize the supply and cost of pork products in the local market,” diin ni Villafuerte.
Kailangan ani Villafuerte ng mabilis na aksyon ng FDA at BAI upang hindi matulad sa mga bakuna noon kontra COVID-19 na naipit dahil sa delay ng documentary requirement.
Ayon mismo sa BAI mayroong commitment ang Vietnamese supplier na magbibigay ng 600,000 na ASF vaccine sa Pilipinas ngayong taon.
“Speed is of the essence in this mass vaccination plan that was announced by the President himself last month, given that BAI officials have said that the Vietnamese supplier has committed 600,000 doses only for the Philippines for 2023 against the backdrop of many other countries also wanting to procure their own anti-ASF shots at the soonest.” dagdag pa ni Villafuerte.
Tinukoy ng kinatawan na batay sa datos ng Negros Occidental, umabot na sa P199.58 million ang halaga ng pinsala ng ASF sa hog industry ng probinsya.
Sa 181,048 na hog population doon, 17,801 ang tinamaan ng sakit at namatay.
Maging ang probinsya ni Villafuerte na Cam Sur ay tinamaan din ng ASF.| ulat ni Kathleen Jean Forbes