Bansang France at Germany, nagpahayag na rin ng pagkabahala sa nangyaring insidente sa Ayungin Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumagdag na ang mga bansang France at Germany sa listahan ng mga nagpahayag ng kanilang pagkabahala matapos ang nangyaring insidente kung saan binombahan ng water cannon ng China Coast Guard ang supply boat mula sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, iginiit ng French Embassy ang pagsuporta nito sa international law at sa 1982 United Nations Convention on Law of the Sea, at ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 na pumapabor sa Pilipinas hinggil sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Samantala, sinabi naman ng German Embassy na ang mga sigalot ay dapat naaayos sa maayos na paraan at hindi nadadaan sa dahas o coercion.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang mga bansa tulad ng Estados Unidos, Canada, United Kingdom, Japan at ang European Union hinggil sa nasabing insidente. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us