Mahigit 4,000 sako ng bigas ang ipinagkaloob ng bansang Japan sa Pilipinas para sa mga bakwit ng Mayon Volcano sa Albay.
Ipinagkaloob ito ng Ministry of Agriculture-Forestry and Fisheries ng nasabing bansa sa Department of Social Welfare and Development Bicol Regional Office ngayong araw.
Ayon sa DSWD, ang donasyong bigas ay pauna pa lamang para sa kabuuang 10,000 sakong ibibigay ng Japan sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) Tier 3 Program.
Ayon sa DSWD, hanggang ngayon, malaking bilang pa rin ng mga pamilyang lumikas ay nananatili pa rin sa mga evacuation sa Albay.
Hindi pa rin sila pinapayagang makauwi sa kanilang mga bahay dahil nananatili pa rin ang banta ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon. | ulat ni Rey Ferrer