Barangay Chairwoman ng Malabon, inireklamo sa DILG dahil sa iba’t ibang kaso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inireklamo na sa Department of the Interior and Local Government ang barangay Chairwoman ng Potrero, Malabon dahil sa iba’t ibang kaso.

Ayon kay Malabon City Councilor Diosdado Cunanan, naghain siya ng reklamo base sa reklamo ng isang concern citizen laban kay barangay Chairwoman Sheryl Nolasco.

Inaakusahan si Nolasco ng paglustay ng pera ng barangay, pagsusugal sa casino sa Okada Manila at Macao sa China.

Natuklasan din ang mga pagbiyahe nito sa Macao ng walang inaprubahang application for leave at ang pakikipag-relasyon nito sa isang Marsha Llobrera.

Ginamit rin umano nitong tirahan ang barangay hall sa panahon ng pandemya.

Bilang tugon ng DILG, inatasan nito ang Malabon Sangguniang Panlungsod na imbestigahan si Nolasco.

Si Nolasco ay inakusahan ng Conduct Unbecoming of a Public Officer at paglabag sa RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employee at paglabag sa Memo Circular ng DILG kaugnay sa foreign travels ng public officials. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us