Naniniwala si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon na dapat dagdagan ang pondo ng Barangay Development Program (BDP).
Sa regular na pulong-balitaan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) “Tagged: Reloaded” kahapon, sinabi ni Gadon na malaki ang naitulong ng BDP para tugunan ang problema ng kahirapan, na isa sa mga pangunahing dahilan ng insurhensya.
Ayon kay Gadon, ang BDP na isa sa mga pangunahing programa ng NTF-ELCAC, ay naging epektibo sa pag-stabilisa ng peace and order situation sa mga napabayaang barangay, at pagbibigay ng “economic opportunities” sa mga mararalita.
Tiniyak naman ni Sec. Gadon ang kanyang buong suporta sa NTF-ELCAC at iba pang ahensya ng gobyerno na nagsisikap na mapaangat ang buhay ng mga mararalitang Pilipino, partikular sa mga lugar na bulnerable sa recruitment ng NPA. | ulat ni Leo Sarne